Sen. Jinggoy, ipinaaaresto na ng Sandiganbayan

View previous topic View next topic Go down

Sen. Jinggoy, ipinaaaresto na ng Sandiganbayan

Post by --JUNDULLAH-- on Mon Jun 23, 2014 1:32 pm

"Muling pagkaaresto ang posibleng kaharapin ni Senador Jinggoy Estrada anumang oras."




(UPDATED) Muling pagkaaresto ang posibleng kaharapin ni Senador Jinggoy Estrada anumang oras.

Ito'y matapos makakita ng probable cause ang Sandiganbayan 5th Division sa kasong plunder kaugnay ng multi-bilyong pork barrel scam.

Batay ito sa resolusyon mula sa korte, na pirmado ng tatlo nitong mahistrado sa pangunguna ni Justice Roland Jurado, na nagbabasura sa mosyon ni Estrada na itigil ang court proceedings sa kaso.

Sa ngayon, nagpalabas na ng warrant of arrest laban sa senador at sa mga kapwa-akusado nitong sina Janet Napoles, Pauline Labayen at John Raymund De Asis.

Una nang nagpahayag ng kahandaang sumuko si Estrada sa Sandiganbayan.

Sa ngayon, mula sa tahanan sa QC patungo na ngayon ang senador at pamilya nito sa San Juan sa bahay ng ama.

Sama-samang magtutungo mula sa San Juan sina Manila Mayor Erap Estrada, at Senador Jinggoy sa Camp Crame kung saan ito susuko.

Ilang sandali bago ang paglabas ng kautusan, sa panayam sa ANC, sinabi ni Sen. Jinggoy na sunod silang maghahain ng mosyon para makapagpiyansa.

Iginiit nito sa panayam na walang merito ang kasong plunder dahil wala siyang ninakaw sa kaban ng bayan. Hearsay lamang din anya ang mga testimonya ng mga testigo at paratang ng mga whistleblower.

Pulitika ang hinala ni Estrada na posibleng motibo sa likod ng hakbang.

"I will prove to my critics and to my detractors at the end of the day I will rise victorious dahil wala naman akong kasalanan," diin nito.

"No choice" at susunod sa utos ng korte naman ang tugon ng senador sa tanong ukol sa posibleng kondisyon na sapitin sa piitan.

Ngunit kung siya ang tatanungin, nais na lamang niya ng house arrest para makasama ang pamilya.

Sa huli, mensahe nito: "ngayon pa lang mag-uumpisa ang paglilitis e, sana huwag muna kaming husgahan. I feel so bad."

Suporta at kalbaryo ng pamilya

Sinabi ni Jinggoy na partikular na mahihirapan sa mga nangyayari ang bunso niyang anak na babae, na malapit sa kanya.

Mausisa anya ito sa pagkakakulong niya at nagtanong pa kung maaaring sumama o bumisita sa kulungan nito.

Sa hiwalay namang panayam ng programang Umagang Kay Ganda, sinabi ni Manila Mayor Joseph Estrada, ama ni Jinggoy, na malungkot ang pamilya sa harap ng mga posibleng maganap.

"S'yempre medyo hindi masaya, hindi katulad ng dati na masaya. Syempre nalulungkot kami dito sa pangyayari," sabi ng dating Pangulo.

Hindi na rin ipapaalam pa ang hakbang para hindi na maging maingay.

"Sabi niya, tahimik lang tayo basta huwag nang ipaalam, halimbawa wala na masyadong maraming tao."

Tiwala naman si Erap na malalagpasan ng anak ang pinagdadaanan nito.

2001 nang unang mapiit ang senador dahil sa umano'y pagtanggap ng kubra sa jueteng. Naabswelto rin ito kalaunan.
--JUNDULLAH--
avatar
GSM Padrino

Posts : 19

Join date : 2014-06-23

Age : 30

Location : SA PUSO MO

Facebook profile link https://www.facebook.com/profile.php?id=100006906340867

Back to top Go down

Re: Sen. Jinggoy, ipinaaaresto na ng Sandiganbayan

Post by Spectrum on Mon Jun 23, 2014 10:48 pm

aba sumunod sa yapak ni bong Smile
Spectrum
avatar
Super Moderator

Posts : 120

Join date : 2014-06-21

Age : 31

Location : GsmCity


Back to top Go down

View previous topic View next topic Back to top


Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum
Copyright ©2014, www.gsmcitymobile.com